Matapos ang ilang linggong paglalakad sa ilog, ilang oras na pagbibilad sa araw, pahirap sa pagakyat ng bundok, pagbitbit ng mabibigat ng bato, pagising ng alas singko ng umaga, pakikinig kahit inaantok, pangangatog sa lamig sa umaga, pag-iigib ng tubig, at pagtratrabaho ng walang humpay, napagtanto ko na tanga nga ako sa pag-ibig.(Oha, naisip ko pa yun!)
Pero walang halong biro, ako na ang self-proclaimed tanga sa pag-ibig. Simula't sapul pa lamang naririnig ko na mula sa aking mga kaibigan ang mga kantsaw at biro patungkol dito. Dati rati ay pilit kong itinatanggi ang kanilang mga paratang. Pero ngayon, inaamin ko na.
Paano ko nasabi? Dahil ako na ang gagawin ang lahat lahat para sa isang taong espesyal sa akin. Parang financier, National bookstore, 911, gf, yaya, at nanay in one. Papautangin ka pag kelangan mo ng pera, bibigyan ka ng school supplies na kelangan mo, isang text mo lang at ready to help na ako, sasamahan ka sa lahat ng mall kahit nakakapagod, bibilan ng regalo pag ika'y nalulungkot, aalukin ka ng pagkain kahit kulang pa ito sa akin, gagamutin ang sugat mo, susuyurin ang kahit saang lupalop mabili lang ang pasalubong na gusto mo at mamahalin ka ng walang kundisyon. Kung iisipin, marami-rami rin sigurong tao ang guilty sa lahat ng aking nabanggit. Pero ang pinagkaiba ko sa kanila ay marahil sila ay in a relationship at happily double ngayon. At ako? Eto ginagawa ang lahat ng yan sa isang taong alam kong may napupusuan ng iba. Oo, narinig ng dalawa kong tenga ang pag-amin niyang gusto niya siya sabay ngiti ako sa kanya na tila kinikilig pa. Ako na naman si tanga na nangaasar pa. Yikee dito yikee doon na tila hindi iniinda ang sakit.
Pero bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng ito?
Simple lang. Dahil naniniwala akong dapat nagmamahal ang isang tao hindi lang dahil mahal ka din niya. Nagmamahal ako dahil iyon ang nararamdaman ko. Ang problema nga lang kasabay ng ganitong prinsipyo ay ang pagtanggap sa ideyang tanga ka nga sa pananaw ng iba. Sabi nga ni Kim Chiu, "Tanga na kung tanga, pero mahal kita!". Ang tanong, hanggang kelan ko kaya kakayanin ito? Gustuhin ko man magmahal lang ng magmahal, hindi ko makakaila na masakit pa ding malamang lahat ng pinaghihirapan mo ay nababalewala lang. Lahat ng nahuhulog bumabagsak din. Lahat ng nagpapakatanga napapagod din.
Sa puntong ito, napakaplastic kung sasabihin kong hindi na ako tanga. Dahil kahit pa iba ang gusto niya, ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi parang yelo na iniwan lang sa ilalim ng araw at wala ng bakas. Pero yinayakap ko ng buong puso ang ideyang kelangan ko ding umahon sa katangahang ito. Dahil alam kong dadating din ang araw na hindi na ako mapapagod. :)
hayyyy ganyan din ako, nagmamahal sa taong alam kong may mahal ng iba... :(
TumugonBurahinang hirap pigilan yung sarili mo na hindi siya mahalin kaya nag-aantay ka na lang na kusang mawala yung nararamdaman mo kasi alam mo sa sarili mo na hindi mo siya kayang hindi mahalin
@hArTLeSsChiq
TumugonBurahinTumpak! Naniniwala ako na hindi kayang ipilit na wag mahalin ang isang tao tulad lang ng hindi pwedeng mahalin ang hindi mo talaga mahal. Salamat sa comment! :) Balang-araw dadating din ang mahal natin at mahal tayo. <3 -Kulasa
tammuuh.. ilang beses ko mang sabihing i shall move on eh palagi namang fail! kaya mas mabuti pang wag pilitin at hayaang kusang mawala.. Salamat sa iyong comment! =) --Kulasa
TumugonBurahin